PAGKONTRA | Mata sa Balota Movement : Comelec, suwail!

 photo courtesy : compile image from google

Grupong Mata sa Balota Binatikos ang lantarang pagkontra ng Commission on Elections (Comelec) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang Smartmatic at palitan ng isang kompanya na walang bahid ng anumang anomalya.

Ayon sa  opisyal na pahayag ni Mata sa Balota Movement (MSBM) chairman Atty. Leo O. Olarte, M.D., abogado at dating presidente ng Philippine Medical Association (PMA), suwail umano ang poll body matapos ideklara ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi mapapalitan ng anumang kompanya ang technology provider na Smartmatic.

Saad ni Olarte na kasalukuyang vice president ng Philippine Hospital Association, na kabastusan at kawalan ng respeto sa Chief Executive ang pagbalewala sa pahayag nito lalo pa at ito ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.


Una nang sinabi ng Comelec na hindi maaaring ibasura ang Smartmatic ng walang “legal basis”

Ngunit, ayon kay Mata sa Balota spokesman Dr. Michael Aragon, kakasuhan nila sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo ng impeachment ang mga commissioner ng COMELEC dahil sa paglabag sa Automated Election System (AES) law.

Nauna rito’y kinondena at kinuwestyon ng iba’t-ibang grupo ang mga aberyang sinapit ng nakaraang national at local elections noong nakaraang buwan na anila ay pinagmulan ng pandaraya sa ibang mga lugar.

Matatandaan sa Araw ng Election dismayado ang mga botante dahil sa nangyaring aberya at dahilan para isipin na nagkaroon ng electoral sabotage.


source : [1]

LIKE US FOR MORE UPDATE
Comment Your Thoughts Down Below
PAGKONTRA | Mata sa Balota Movement : Comelec, suwail! PAGKONTRA |  Mata sa Balota Movement : Comelec, suwail! Reviewed by phunite on 3:30 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.